Pages

Tuesday, October 07, 2014

Bicycle Patrol ng BTAC, gumagana pa ngunit hindi na nadadagdagan

Posted October 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Simula nang e-turnover ang 20 na mga Bicycle Patrol sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nitong nakaraang taon ay hindi pa ito nadadagdagan.

Ayon kay PO1 Shirley Berbosa na syang nangangasiwa sa mga gamit ng BTAC, mula sa 20 ay 18 na lang umano dito ang gumagana.

Anya, ginagamit ang siyam rito sa pagpapatrolya habang ang siyam naman ang nasa istasyon ng BTAC para sa service at maaaring gamitin sa responde.

Samantala, nabatid na ang bicycle patrol ay isa mga programa ng BTAC na syang iikot sa buong isla ng Boracay para sa tinatawag na public awareness, kung saan sumailalim pa sa “bicycle training” ang mga pulis sa Boracay sa Camp Delgado sa syudad ng Iloilo.

Layunin din umano nito na mapamabilis at mapalawak ang kanilang pagpapatrolya laban sa anumang karahasan at krimen na maaaring maganap sa Boracay.

No comments:

Post a Comment