Pages

Tuesday, October 14, 2014

Bagong chief of Internal Affairs Service sa Aklan nagsimula ng manungkulan

Posted October 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsimula na sa kanyang panunungkulan bilang bagong chief of Internal Affairs Service ng probinsya ng Aklan si Police Senior Inspector Lendry Gelante Torrato.

Si Torrato ay nakatalaga ngayon bilang bagong provincial superintendent of Internal Affairs Service (IAS) sa Camp Pastor Martelino Kalibo, Aklan.

Nagsimula ang kanyang panunungkulan nitong Oktobre-1 kapalit ni Senior Inspector Eugenio Dionisio, Jr. na ngayon ay nakatalaga sa Internal Affairs Service ng PNP sa Antique.

Nabatid na si Torrato ay tubong Tigbauan, Iloilo at presenting nakatira sa Bacolod City, kung saan din siya itinalaga bilang deputy provincial superintendent ng Negros Occidental PIAS.

Napag-alaman na ang IAS ay walang kinikilingan at inatasan para sa pagdidisiplina sa mga pulis para paghusayin ang kanilang serbisyo kasama na ang pag-dipensa sa katarungan sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) Reform and Reorganization Act of 1998.

Samantala, sinabi ni Torrato na makikipag-coordinate siya sa mga chief of police sa Aklan Police Provincial Office para sa investigative, inspection, audit at pag-diseplina lalo na sa  mga police sa ibat-ibang units.

No comments:

Post a Comment