Pages

Wednesday, October 08, 2014

Arabo, ninakawan ng mga gamit at pera sa Boracay

Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang Arabo matapos na ninakawan ng pera at mga gamit sa Boracay kaninang madaling araw.

Ayon sa biktimang si Mahammad Ahamd Alloush, iniwan nito ang kanyang bag sa baybayin ng isla at naligo, subali’t nang pagbalik na umano nito ay nagkalat na ang laman ng kanyang bag.

Nang suriin ng biktima ang kanyang mga gamit ay saka nalaman na nawawala na ang kanyang dalawang iphone 5s na cellphone, 4,000 pesos na pera, at visa card.

Paniwala umano ng biktima na tinangay ng kawatan ang kanyang pera at mga gamit habang ito ay naliligo.

Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng Boracay PNP ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment