Pages

Tuesday, September 30, 2014

Seguridad ng Aklan Provincial Hospital, mas hinigpitan

Posted September 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mas hinigpitan ngayon ng pamunuan ng Aklan provincial Hospital o Tombokon Memorial Hospital ang kanilang seguridad.

Ito’y dahil kamakailan lang ay may nakapasok na isang magnanakaw na kumuha ng ilang mahahalagang gamit ng nasabing hospital ng hindi namamalayan ng mga nagbabantay na security guards.

Ayon sa mga security personnel, hindi umano nila mapapansin kung ang pumapasok sa loob ay isa na palang magnanakaw dahil sa inaaakala nilang may binabantayn itong pasyente.

Napag-alaman na lamang na may nagnakaw na pala sa loob ng tingnan ng pamunuan ng provincial hospital ang kanilang closed circuit television (CCTV) footage.

Dito lumantad sa kanila ang larawan ng magnanakaw ngunit bigo ang mga otoridad na matuntun ang suspek na hanggang ngayon ay patuloy paring pinaghahanap ng mga kapulisan at nasa wanted list na rin ng pulisya.

Samantala, ang paglabas pasok ng mga nagbabantay ng pasyente sa loob ng hospital ay mahigpit na bibantayan ang mga security guard ng provincial hospital.

Paalala naman ng mga otoridad sa mga bantay na maging alerto sa lahat ng oras at maging mapagmatayag sa kanilang paligid lalo na sa mga nasa pribadong kwarto.

No comments:

Post a Comment