Pages

Monday, September 29, 2014

Penalidad para sa mga namamalimos sa Boracay, gumugulong na sa SB Malay

Posted September 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Gumugulong na sa Sangguniang Bayan (SB) Malay ang ordinansa para maitatag ang organisadong sistema para makontrol ang paglaganap ng mga namamalimos sa Boracay.

Sa nakaraang 28th SB Session ng Malay tinalakay ang nasabing ordinansa na nakapaloob sa Committee report ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre.

Nabatid na kung maipapasa ito ay maaaring bigyan ng penalidad ang mga namamalimos sa Boracay at bayan ng Malay.

Ayon naman kay Aguirre, isasailalim pa ito sa committee hearing kung saan balak din nilang mag-imbita ng taga Human Rights at ilan pang concern agencies para talakayin ito.

Napag-alaman na ang Mendicancy o Pamamalimos ay nanganganak ng krimen, at nakakasama sa kalusugan ng mga mamamayan dahil sa madungis na namamalimos at maaaring may taglay na sakit.

Nakakasira din ng dignidad ng mga taong ginagamit ng mga sindikato sa pamamalimos kung kaya’t ginawa ng dating pangulong Ferdinand Marcos ang batas na ito upang supilin ang talamak na pamamalimos ng mga pulubi sa lansangan.

No comments:

Post a Comment