Pages

Monday, September 22, 2014

Pambubogbog ng PAIDSOTG Chief sa isang sibilyan sa Boracay pinagpiyestahan ng mga netizens

Posted September 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Pinagpiyestahan ng mga netizens ang pambubogbog umano ni PAIDSOTG Chief PInspector Wilfredo Hofileña sa isang sibilyan sa Boracay nitong Sabado.

Sa kabila ito ng paglutang ng pangalan ni Hofileña sa blotter report ng Boracay PNP hindi bilang suspek kungdi testigo sa nangyaring komosyon.

Ayon sa report ng Boracay PNP, si Hofileña pa nga ang umaresto sa isa sa mga suspek.

Nabatid na bumibili ng sigarilyo ang biktimang si Francis Hofileña, 49 anyos ng Lapuz, Iloilo at kasalukuyang residente ng Barangay Manoc-manoc, nang kumprontahin umano ito at tinanong ng mga suspek na nakasakay sa tatlong motorsiklo kung miyembro siya ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.

Bumunot umano ng baril ang isa mga suspek na si Adenito Gelito, 59 anyos residente ng nasabing barangay, at hinampas sa ulo ng biktima.

Kaagad umanong inaresto ni Hofileña si Gelito, habang pumasok sa isang bar doon ang iba pa nitong mga kasama.

Si Hofileña ang hepe ng PAIDSOTG o Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group na inereklamo din dahil sa pambubogbog umano kay Reijie Rose na nahuli naman sa isang buy bust operation sa bayan ng Kalibo nitong nakaraang July 13.

No comments:

Post a Comment