Pages

Monday, September 22, 2014

Pag-post ng magagandang larawan ng Boracay sa social media malaking tulong-DOT

Posted September 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Malaki umanong tulong ang pag-post ng magagandang larawan ng isla ng Boracay sa mga Social Media.

Ito ang nakikitang paraan ng Department of Tourism (DOT) regional office matapos na magkansila ang mga Chinese tourist ng kanilang room bookings sa Boracay at cancellations ng International flights mula China papuntang Kalibo International Airport dahil sa travel ban.

Ayon kay DOT Regional.Director. Helen J. Catalbas, hinihiling umano nito sa mga Aklanon sa buong mundo at sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak na merong Facebook at Twitter account na mag post ng magagandang larawan ng isla ng Boracay na may detalye ng discounted transportation at room rates para matulungan ang tourism industry na pinagmamalaki ng probinsya.

Aniya, kung maagang magagawa ang pagkilos para dito ay mas maaga ding magagawang pigilin ang kanselasyon ng mga turista upang mapanatili ang negosyo sa isla sa kabila ng nangyayari ngayon na kung saan ay inaasahan din umano nitong matatapos sa madaling panahon.

Nabatid na isa sa nakikitang paaran ng DOT official ay ang pagbibigay ng discounted room rates sa Boracay para sa mga Pinoy upang mapunan ang mga kinansilang kwarto ng mga Chinese tourist.

Samantala, nais pa ng DOT na maging ang tourist transport sa lupa, dagat at himpapawid ay mag-offer ng discounted fare papuntang Boracay para lalong maingganyo ang maraming Filipino na mag travel sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment