Pages

Monday, September 15, 2014

Minimum Standards ng E-Trike sa Boracay, pinag-aaralan na sa SB

Posted September 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinag-aaralan na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang minimum standard ng electric tricycle (e-trike) sa isla ng Boracay.

Katunayan sa nakaraang SB session ng Malay, tinalakay sa committee report ni SB member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre ang kanilang adopted guidelines para sa policy at accreditation ng suppliers ng e-trike sa isla.

Ilan lamang dito ang height o taas ng nasabing unit na 1.5 meters, width o lapad na 1.45 meters o 1.62 meters kung may side mirror, length o haba na 3.23 meters o 2.12 meters habang ang seating capacity ay hindi tataas sa pitong pasahero.

Samantala, nabatid na ang lahat ng electric tricycle or manufacturer supplier ay kailangang  magpa-accredit sa munisipyo ng Malay bago dumiretso ang isang unit sa public utility transport.

Sinabi pa ni Aguirre na layunin umano nito na mapangalagaan ang safety at comport ng mga pasahero kung kaya’t pinag-aralan nila ang minimum standards ng nasabing sasakyan.

No comments:

Post a Comment