Pages

Tuesday, September 23, 2014

Mga kabataan hinihikayat ng Comelec Malay na magparehistro para sa SK Polls 2015

Posted September 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hinihikayat ngayon ng Commission on Elections (Comelec) Malay ang mga kabataang may edad 15 hanggang 17 na magparehistro sa kanilang opisina para sa SK Polls 2015.

Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig,nitong Sabado umano nagbukas ang Sangguniang Kabataan registration at magtatapos sa darating na Setyembre 29 araw ng Lunes.

Aniya, bukas din ang kanilang tanggapan sa araw ng Sabado at Linggo para tumanggap ng magpaparehistrong kabataan.

Kailangan lamang umano nilang dalhin ang kanilang Certificate of Live Birth, Baptismal Certificate, School Records at ilan pang dokumento na magpapatunay na sila ay residente ng Malay at nasa tamang edad para magparehestro sa SK.

Nabatid na tatagal ng 10 araw ang pagtatala alinsunod sa Commission on Elections Resolutions No. 9899.

Samantala, napag-alaman na ang SK polls ay orihinal na nakatakda noong Oktubre 29, 2013 ngunit naipagpaliban ito alinsunod sa RA 10632 na nilagdaan ni Pangulong  Aquino kung kaya’t itinakda nalang ito sa darating na Pebrero 21, 2015.

No comments:

Post a Comment