Pages

Friday, September 26, 2014

Mahigit 3 libong kabataan sa Boracay, nabakunahan kontra Measles-Rubella at Oral Polio

Posted September 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mahigit tatlong libong kabataan ang nabakunahan ng Municipal Health Office (MHO) Malay kontra sa Measles-Rubella at Oral Polio sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na ilunsad ng Department of Health (DOH) ang Mass Immunization sa buong bansa nitong buwan ng Setyembre para mapangalagan ang mga kabataan kontra measles o tigdas.

Sa isinagawang immunization ng MHO sinuyud ng mga ito ang bawat baranggay at sitio sa Boracay simula noong unang araw ng Setyembre hanggang nitong araw ng Miyerkules kung saan nakapagbakuna sila ng 3, 617 na mga kabataan.

Nabatid na maraming mga magulang sa isla ang pinabakunahan ang kanilang mga anak na may edad siyam na buwan hanggang 59 na buwan para sa Measles Rubella (MR) vaccine.

Samantalang ang Oral Polio Vaccine (OPV) ay ibinigay sa mga bagong anak na sanggol hanggang 59 buwan ang edad.

Napag-alaman na may iilang lugar pa sa Boracay ang binalikan ng mga nurse ng MHO kahapon para sa mga hindi pa nabakunahan kontra sa paglaganap ng nasabing sakit.

No comments:

Post a Comment