Pages

Tuesday, September 09, 2014

Laboratory fees ng Municipal Health Office ng Malay, posibleng taasan

Posted September 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Posibleng tumaas na ang singil sa laboratory fees ng Municipal Health Office ng Malay.

Ito’y sa sandaling maaprobahan sa SB Session ng Malay ang kanilang proposed increase sa fees/rates ng Laboratory services.

Nabatid na humiling ang MHO na magpataas ng singil tungkol dito para lalong mapaganda at mapabilis ang paglabas ng resulta ng isinagawang Test.

Ayon naman kay SB Member Rowen Aguirre nagkaroon na umano sila ng public hearing tungkol dito kung saan sinabi nito na rasonable din ang presyo nito kumpara sa mga Laboratory fees ng mga pribadong klinika sa Boracay.

Napag-alaman na magbibigay rin sila ng 20 percent discount para sa mga government at Brgy. Employees ng bayan ng Malay basta’t may maipapakita lamang silang valid ID.

Sa kabila nito, tila bukas naman ang SB Malay na maaprobahan ang nasabing proposed increase sa fees/rates ng Laboratory services ng MHO.

Samantala, sa sandaling maaprobahan ito ay inaasahang aabot ang singil sa Laboratory sa mahigit P300 kumpara ngayong na umaabot lamang sa P200.

1 comment:

  1. grabe naman... kailangan ba talga every year magpa laboratory or medical check up kahit pa na regular ka na sa company moh? ang taas ng singil ang sweldo namin kunti lng naman pati na magpa x-ray kailangan ba na every year din? di ba pwede na every 3 years or 2 years para walang hustle sa work at di magasto...

    ReplyDelete