Pages

Friday, September 26, 2014

Kampanya laban sa paghingi ng deposit ng mga illegal komisyoner, pinahihigpitan

Posted September 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat mas mahigpit na kampanya laban sa illegal na komisyoner.

Reaksyon at suhestiyon ito ng isa sa mga operator ng island activity sa isla ng Boracay kaugnay ng patuloy na paghingi umano ng deposit ng mga illegal na komisyoner sa turista partikular ang mga nagna-night market o ang mga nang-aalok ng activities sa gabi.

Ayon sa hindi na pinangalanang source, may mga MAP o Municipal Auxiliary Police namang nag-iikot o nagbabantay sa isla kahit gabi.

Subali’t kailangan parin umanong gumamit ng kamay na bakal ang LGU Malay sa pagpapatupad ng unified rates sa mga sea at water sports activities upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga turista.

Samantala, ilang turista na rin ang nagreklamo sa Boracay PNP matapos umanong hingan ng deposit at takasan ng komisyoner kung kaya’t nagkasundo ang mga sea at water sports operators sa isla na magkaroon ng unified rates.

No comments:

Post a Comment