Pages

Wednesday, September 03, 2014

Kahalagahan ng DOT Accreditation ibinahagi sa mga establisyemento sa Boracay

Posted September 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isa sa mga prayoridad na programa ng Department of Tourism (DOT) ang lumikha ng world-class tourism standard.

Kasama na rito ang itaas ang antas ng serbisyo sa mga turista o maging isang quality tourism front liner sa isla sa pamamagitan ng accreditation.

Kaugnay nito, ibinahagi kaninang umaga ng DOT ang kahalagahan ng accreditation sa mga establisyemento sa Boracay.

Sa isinagawang Accreditation Information Drive kanina, sinabi ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete na ang accreditation mula sa DOT ang magpapatunay na nakapasa sa panuntunan o standard ng Department of Tourism ang pasilidad o serbisyo ng isang tourism enterprise.

Samantala, tinuruan din ng DOT ang mga resorts, hotels, travel agencies, souvenir shops at tour guides sa Boracay tungkol sa online accreditation, ang mga benipisyo nito at insentibo.

No comments:

Post a Comment