Pages

Thursday, September 11, 2014

Implementasyon ng Grassroots Participatory Budgeting 2014 ng Malay aprobado na

Posted September 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaprobahan na sa huli at ikalawang pagbasa sa Sangguniang Bayan ang implementasyon ng Grassroots Participatory Budgeting 2014 ng bayan ng Malay.

Ito’y matapos na hiniling ni Malay Mayor John Yap na pumasok sa isang Memorandum Of Agreement (MoA) kasama ang TESDA para sa nasabing implementasyon.

Mabusisi din itong pinag-aralan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws na si Rowen Aguirre.

Nabatid na isang training o seminar ang isasagawa tungkol dito kung saan ang LGU Malay ang siyang pipili ng magiging partisipante.

No comments:

Post a Comment