Pages

Monday, September 01, 2014

DOT 6, maglulunsad ng Accreditation Information Drive sa susunod na linggo

Posted August 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Atensyon sa mga resorts, hotels, travel agencies, souvenir shops at tour guides sa Boracay!

Nais nyo bang maitaas ang standard ng inyong serbisyo sa mga turista o maging isang quality tourism front liner sa isla?

Kung ganon, markahan ang September 2, araw ng Martes, sa inyong mga kalendaryo para sa Accreditation Information Drive na ilulunsad ng DOT o Department of Tourism 6.

Tampok sa isang araw na aktibidad ang pagbibigay ng sapat na kaalaman tungkol sa online accreditation, ang mga benipisyo nito at insentibo.

Ayon sa DOT Boracay Sub-Office, iniskedyul ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga partisipante mula sa resort, hotel, at mga travel agencies sa umaga, at sa hapon naman ang sa mga restorant, souvenir shops, at tour guides.

Si DOT Region 6 Supervising Tourism Operations Officer Rene Cortum ang magiging speaker nito.

No comments:

Post a Comment