Pages

Tuesday, September 16, 2014

Baha sa harap ng Boracay Hospital, inaasahang di na mauulit

Posted September 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Inaasahan umanong hindi na mauulit ang baha sa harap ng Boracay Hospital.

Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano, magtutuloy-tuloy na ang t
ubig sa drainage matapos itong pagtulungang linisin ng Boracay Redevelopment Task Force, BSWAT at Boracay Action Group nakaraang linggo.

Maliban dito, nag-usap na rin umano sila sa LGU at BIWC kaugnay ng pagbubukas ng iba pang man hole para sa paglilinis ng iba pang drainage sa isla.

Samantala, sinabi pa ni Solano isusunod na rin nilang akysunan ang drainage at baha sa gilid ng Boracay National High School at sa main road ng Pinaungon Ibaba.

Magugunitang madalas binabaha ang kalsada sa harap ng Boracay Hospital dahil sa saku-sakong latak at tumigas na sementong nakuha sa drainage na ikinadismaya mismo ni Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo at BFI President Jony Salme.

No comments:

Post a Comment