Posted August 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa taong 2015 ay inaasahan na umano ng lokal na
pamahalaan ng Malay na mapapalitan na ang mga traditional tricycle na makikita
sa isla.
Ayon kay Sam Sano, Traffic Aide ng Malay
Transportation Office (MTO) maliban sa pagsasaayos ng trapiko sa isla ay
tinitingnan din ang iba pang mga maaaring e-develop dito lalo na sa isyu ng
transportasyon.
Samantala, nabatid namang sinabi sa naunang mga
ulat ni BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, na wala na ring plano ang
Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) na dagdagan pa ang
mga traditional na traysikel sa isla ng Boracay.
Katunayan, sa kabuuang 575 na mga traditional
trikes, 200 na umano dito ay nakapag-apply na para kumuha ng E-trike.
Ang mga tricycle umanong may kalumaan na ay
papalitan ng mga E-trike dahil sa mahigit sa limang taon naring ginagamit.
Layunin naman ng LGU Malay at BLTMPC na palitan
na ang mga traditional trikes dahil sa idinudulot nitong polusyon sa hangin sa
Boracay, at sa ibinibuga nitong usok.
No comments:
Post a Comment