Posted August 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y sa sandaling matapos ang isasagawang pag-aaral ng
Sangguniang Bayan ng Malay sa resolusyon para dito.
Sa SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni SB Member
at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na kailangan munang ayusin ang
problema sa traffic ng mga bangka sa nasabing pantalan bago ang implementasyon.
Samantala, dapat umanong maging handa rin ang Tambisaan
Port sakaling ito’y maipatupad na dahil sa maliit lamang ang terminal area nito
at masikip ang daungan.
Nabatid na isa sa mga dahilan kung bakit natatagalan ang
pag-daong ng mga bangka at nagkakaroon ng traffic ay dahil sa mga bangka na
naka-dock doon kahit hindi naman umano bumibiyahe
at ang ilan ay nagkukumpuni.
Sa ngayon handa na rin ang Committee on Tourism at
Committee on Transportation na ito ay pag-aralan para sa pagpapatupad ng
entry-exit sa tuwing Habagat.
Ang nasabing resolusyon ay iniakda ni SB Member Floribar
Bautista para maiwasan ang pagkalito ng mga pasahero kung saan ang biyahe
ng mga
bangka sa tuwing panahon ng Habagat.
No comments:
Post a Comment