Pages

Thursday, August 14, 2014

Resolusyon para sa entry-exit ng mga bangka tuwing Habagat sa Boracay isasailalim sa committee hearing

Posted August 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinakailangan pa umanong isasailalim sa committee hearing ang resolusyon para entry-exit ng mga bangka tuwing Habagat sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa SB ng Malay nitong Martes.

Nabatid na sakaling maitupad na ito ay kinakailangan pa umano nilang antayin ang weather forecast ng PAGASA para sa Habagat saka ililipat ang biyahe sa Tabon at Tambisaan Port.

Samantala, kailangan din umanong maayos na ng dalawang pantalan ang problema sa traffic ng mga bangka na nagiging dahilan ng mabagal na operasyon.

Isa rin sa kailangang ayusin ay ang masikip na terminal area sa Tambisaan Port at kakulangan ng pasilidad.

Sa kabila nito pabor naman ang LGU Malay sa nasabing resolusyon para maiwasan ang pagkalito ng mga pasahero kung saan ang biyahe ng mga bangka tuwing Habagat.

No comments:

Post a Comment