Pages

Friday, August 15, 2014

Problema sa Sanitation ng Malay Public Market unti-unti na umanong nasosolusyunan

Posted August 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Unti-unti na umanong nabibigyan ng solusyon ang problema sa Sanitation ng Malay Public Market sa Brgy. Caticlan.

Ito’y makaraang ilang mamimili sa nasabing tindahan ang nag-paabot ng pagkadismaya sa Local Government Unit ng Malay tungkol sa hindi maganda at malinis na palengke.

Nabatid na kasabay ng ginawang pag-momonitor ng LGU at ni Brgy. Captain Julieta Aron sa sanitation ay kinumpuni din ng engineering office ang ilang sira sa public market.

Sinabi naman ni Malay Sanitation Inspector Ma. Lyn Fernandez, hindi sila nag-iisue ng permit sa mga vendors kapag hindi sila makakapasa sa mga requirements kabilang na ang kalinisan ng lugar.

Samantala, regular na rin ngayong nakokolekta ang basura sa tindhan kung at may inilaang tamang tapunan ng mga sirang gulay, pinaghugasan ng isda at iba pa.

No comments:

Post a Comment