Pages

Tuesday, August 26, 2014

"Oplan Broadcastreeing" ng KBP, pinaghahandaan na ng KBP Aklan

August 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ng Kapisananan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter ang "Oplan Broadcastreeing".

Bagama’t hindi pa napag-uusapan, sinabi ni KBP Aklan Chapter President Ron Bautista na pinaghahandaan na nya itong isama sa mga susunod na pagpupulong ng KBP sa Aklan.

Kaugnay nito, binigyang diin naman ni Bautista na mahalaga ang pagtatanim ng puno ngayon sa harap ng kaliwa’t-kanang kalamidad at lumalalang epekto ng climate-change.

Sa kabila din ito ng paghahanda para sa KBP Accredidation Exam sa darating na Oktubre 18.

Samantala, nabatid na ang taunang proyekto ng KBP ay isinagawa ng sabay-sabay sa 32 lugar sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Local Government Units (LGUs), Office of the President at iba pang sangay ng gobyerno maging ng ilang pribadong sektor.

Gaganapin naman ang KBP Oplan Broadcastreeing sa darating na Setyembre na inaasahang susuportahan ng mga miyembro ng KBP Aklan.

No comments:

Post a Comment