Posted August 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nabigyan umano ng atensyon ang mga problema sa
Boracay dahil sa APEC o Asia Pacific Economic Conference.
Ito ang sinabi ni BFI o Boracay Foundation
Incorporated President Jony Salme kasabay ng ginanap na press briefing na
ipinatawag ng Department of Tourism Region 6.
Ayon kay Salme, isang oportunidad ang paghahanda ng
iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa APEC na maiparating sa mga
kinauukulan ang mga problema at pagkukulang sa isla.
Napapaisip umano kasi ito kung bakit naasikaso ang
mga development katulad ng pagpapalapad ng mga kalsada papuntang Boracay,
subali’t ang mga problema naman sa isla ang mistulang napag-iwanan.
Maliban dito, naririyan parin ang sisihan at turuan
sa kung sino ang dapat na magpaayos ng mga sirang kalsada sa isla.
Kaugnay nito, naniniwala umano si Salme na dapat
magtulungan ang lahat para sa ikabubuti ng Boracay.
No comments:
Post a Comment