Posted August 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante,YES FM Boracay
Ininspeksyon na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
magsisilbing helipad ng Air Ambulance sa isla ng Boracay.
Ito’y sakaling maisakatuparan na ang kahilingan ng kompanya
ng Aerospace na magsagawa ng kanilang operasyon para sa darating na Asia
Pacific Economic Conference (APEC) Summit 2015 sa Boracay.
Ang inspeksyon ay pinangunahan mismo ni SB Member at Chairman
ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero kasama si SB Member Natalie Paderes.
Ayon kay Gallenero may laki umanong 2, 000 sq ang
nasabing paliparan para sa take off at arrival ng air ambulance kung saan mayroon
din itong facility ng lounge at comport rooms.
Sa ngayon umano ay mabusisi pa nilang pag-aaralan ang
resolusyon para dito at inaasahang muling tatalakayin sa mga susunod na session.
Nabatid na ang Air Ambulance ay isang malaking tulong
sakaling mayroong pasyente na kabilang sa APEC ang kinakailangang dalhin sa
ilang pagamutan sa mainland.
No comments:
Post a Comment