Pages

Thursday, August 14, 2014

Binabahang mainroad sa harap ng Boracay Hospital, aaksyunan na

Posted August 14, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Maaaring mawala na nga ng tuluyan ang baha sa main road ng Boracay Hospital.

Ipinag-utos na umano kasi ni Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano na buksan ang manhole at ipa-inspection kung may mga nakakonektang pipes o tubo doon.

Sa kanilang pag-inspeksyon sa ginagawang ospital kahapon, sinabi ni Solano na nakita niya rin ang tubig sa kalsada kahit wala namang ulan.

Kaya naman patatakpan din umano nila ang mga tubong naglalabas ng tubig sa kalsada katulad ng kanilang ginawa sa bahagi ng Barangay Manoc-manoc.

Samantala, duda rin umano si Engr. Solano na isang establisemyento ang naglalabas ng tubig papunta sa main road ng Boracay Hospital na siyang nagdudulot ng pagbaha sa lugar.

Napag-alamang umaabot na kung minsan sa gutter ng kalsada ang tubig doon na madalas ding kinukunan ng litrato ng mga napapailing na turista.

No comments:

Post a Comment