Posted
August 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
35 kababaihan sa Boracay ang nailigtas sa human trafficking kagabi.
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Boracay Tourist Assistance Center
at Aklan Provincial Intelligence Branch Operatives ang tatlong videoke bar na
pinagtatrabahuan ng mga nasabing biktima.
Sa magkasabay na operasyon sa Barangay Manoc-manoc, sinabi ni PSInspector
Mark Evan Salvo na 18 babae ang nailigtas sa Zwamppy videoke bar at 10 sa Isla
Bora, habang 7 naman sa Wave 98 videoke bar sa Barangay Yapak.
Ayon pa kay Salvo, nasa edad 18 hanggang 25 anyos ang mga babae na mula
pa sa iba’t-ibang lugar.
Samantala, kaagad namang dinala sa DSWD o Department of Social Welfare
and Development ang mga babae, habang inihahanda na rin ang kasong isasampa sa
mga akusadong bar operator.
No comments:
Post a Comment