Posted July 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang Memorandum of Agreement (MOA) nina Gov. Joeben Miraflores at Department of
Transportation and Communications (DOTC) para sa pagpapalawak ng Kalibo
International Airport (KIA).
Ito’y matapos aprobahan nitong 23rd SP
Regular Session ang Resolution No 147, na nagkukumpirma sa pagbili ng lupa sa
KIA upang gamitin para sa nasabing expansion.
Partikular na gagamitin ang pondo sa pambili ng
lupa, parking area at daanan ng mga eroplano, parking area sa mga behikulo at pagpapa-ayos
at pagpapalapad sa terminal building.
Samantala, ang pag-upgrade umano ng KIA ay
pamantayan ng pagpapabuti nito at kasama sa mga prayoridad na proyekto ng
pambansang pamahalaan.
Sa ngayon, ang KIA ay tumatanggap ng mga
international flights sa iba’t-ibang mga regional flights sa Asya at inaasahang
hindi tatagal ay magiging “hub airport” na ngAir Asia.
No comments:
Post a Comment