Posted July 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magsagawa ng nationwide firearms registration
caravan ang PNP Firearms and Explosive Office sa iba't-ibang lugar sa bansa.
Ayon sa ipinadalang kalatas ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC), simula ngayong araw, July 24 hanggang July 27
magsisimula ang pag-proseso sa firearms registration.
Ang nasabing frontline service ay bahagi ng hakbang
ng PNP upang mahikayat ang mga may hawak na iligal na armas at delinquent gun
owners na iparehistro ang kanilang mga baril.
Samantala, magtutungo naman ang ilang mga tauhan ng
PNP-FEO sa Camp Martin Teofilo Delgado sa Iloilo City sa darating na August
11-15 para sa biometrics at photo capturing system sa mga gun owners upang
makakuha ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF).
Ang LTOPF ang siyang pangunahing requirement para
maka-avail ng final gun amnesty na i-aalok ng pambansang pulisya sa rehiyon.
Nabatid na isang mandatory requirements ang LTOPF
sa pagbili, paglilipat ng pagmamay-ari ng baril, rehistrasyon, pagpapalisensiya
at final general amnesty.
Ang pagsagawa ng Caravan sa Iloilo City ay para
gawing kumbinyente at konsiderasyon sa mga gun owners sa Western Visayas.
No comments:
Post a Comment