Pages

Wednesday, July 23, 2014

Nangyaring pagbaha sa Brgy. Yapak Boracay, susuriin ng Environmental Management Bureau

Posted July 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Susuriin ngayon ng Environmental Management Bureau (EMB) ang nangyaring pagbaha nitong nakaraang linggo sa Brgy. Yapak Boracay.

Ito’y matapos na maipaabot sa nasabing ahensya ang pagkalat sa ilang social networking sites ng mga video at larawan na nagpapakita na hindi lang basta baha kundi tubig na may kasamang malapot na putik ang rumagasa sa nasabing Barangay.

Ayon kay Sharon Teodosio ng Environmental Management Bureau, pupuntahan nila ang nasabing lugar at susuriin kung ano ang status nito.

Samantala, nabatid naman na napag-usapan sa isinagawang public hearing ng SB Malay nitong Lunes ang nasabing problema matapos itong ipaabot ni SB Member Jupiter Gallenero sa kanyang privilege speech sa sesyon nitong nakaraang Martes.

Ayon kay Gallenero, posible umanong nagmula ang tubig baha sa ginagawang construction site ng isang resort malapit sa naturang lugar.

Sinabi pa nito na sa tuwing umuulan ay dumidiritso pababa ang mad flow dahil sa ginagawang land scape o pagpantay ng lupa sa taas ng bundok at ang pagtanggal ng mga punong kahoy doon.

Samantala, nagkaroon na rin ng pagpupulong ang Local Officials ng Brgy. Yapak kasama si SB Member Gallenero at ang mga malalaking resort sa lugar na posibleng naging dahilan ng mga pagbaha na nagdulot ng perwisyo sa paaralan ng nasabing barangay.

No comments:

Post a Comment