Posted July 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos na may nagpaabot kay Vice Mayor
Wilbec Gelito tungkol sa umano’y mga trabahador na umiinom at pakalat-kalat sa
kalsada hanggang sa magdamag.
Ayon sa bise-alkalde, nakaka-alarma ang nasabing
balita dahil hindi umano ito magandang tingnan sa ibang tao lalo na’t sa
kalsada nila ito ginagawa.
Nagdudulot din umano ng kapahamakan sa mga
dumadaang motorista at pinagmumulan pa ng away ang nasabing gawain.
Samantala, pinaplano naman ng SB Malay na maglagay
ng outpost at mga pulis na magbabantay sa isang area ng Barangay Yapak kung
saan dito karamihang makikita ang mga umiinom sa kalsada.
Kasalukuyan din itong pinag-aaralan ng LGU Malay at
inaasahang tatalakaying muli sa SB Session bago lubusang ipatupad.
No comments:
Post a Comment