Posted July 7, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pinag-iingat ngayon ng Philippine Coastguard ang mga
bumibiyaheng bangka dahil sa nararanasang sama ng panahon sa bansa.
Kaugnay ito sa hanging Habagat na pinalalakas naman ng
bagyong Florita na nagdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region Region, MIMAROPA,
Visayas at iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon sa Philippine Coastguard, marapat na magbawas ng pasahero
ang mga bangka upang matiyak ang ligtas na biyahe at sundin ang alituntunin sa
pagsuot ng life jacket.
Samantala, discretion na rin umano ng kooperatiba ng mga
bangka na huwag na munang bumiyahe kapag hindi na halos makita ang madadaanan dahil
sa malakas na ulan o naging zero visibility na.
No comments:
Post a Comment