Pages

Thursday, July 24, 2014

Konkretong harang sa drainage ng D’mall, di parin natatanggal

Posted July 24, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hindi pa natatanggal ang konkretong harang sa drainage ng D’mall.

Ito ang sinabi ni Engineer Raymundo Gonzales kaugnay sa naranasang pagbaha sa pangunahing shopping destination sa isla ng Boracay nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Gonzales, may dalawang concrete column ang inilagay sa nasabing drainage kung kaya’t hindi rin makalabas ang tubig mula rito derecho sa tinatawag na existing out flow ng tubig-ulan.

Ayon naman kay Malay Municipal Engr. Elizer Casidsid, bahagi ng ipinatayong gusali ng dalawang establisemyento doon ang nasabing concrete column o haligi.

Magkaganon paman, tumanggi na ring magbigay pa ng pahayag tungkol dito si Engr. Casidsid.

Samantala, wala namang naging tugon ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa kung ano ang magiging disposisyon nila sa nasabing existing out flow.

Magugunita ring nilinaw ng TIEZA na hindi na hindi na nila ito sakop kungdi ng LGU Malay.

Magkaganon paman, ang paggana na lamang umano ng kanilang pumping station ang inaasahang magiging solusyon sa binahang lugar katulad ng D’mall na sakop ng phase 1 ng kanilang proyekto.

No comments:

Post a Comment