Posted July 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinagay ng isang empleyado ng isang resort sa Boracay ang
incidental deposit ng kanilang guest na nagkakahalaga ng P82, 000.
Basi sa report ng Boracay PNP, kinilala ang inirereklamong
si Christy Estinor, 26-anyos ng Brgy. Calumpang, Bocana, Ilog, Negros
Occidental at isang Front Office Supervisor.
Nadiskobrehan na itong si Estinor ay nilisan ang kaniyang
inuupahang boardinghouse dala lahat ang kaniyang gamit kabilang ang incidental
deposit at susi sa safety deposit box.
Nabatid na hindi na rin ma-contact ng naturang resort ang
cellphone number ng inirereklamo.
Napag-alaman din na itong si Christy ay sakay na pala ng
isang Ferry mula sa Caticlan Jetty Port papuntang Batanggas kasama ang kaniyang asawa at anak.
Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang embestigasyon
ng pulisya at ng resort para matuntun ang kinaruruunan ng inirereklamo.
No comments:
Post a Comment