Pages

Thursday, July 10, 2014

DTI Aklan, may paalala sa mga nagrereklamong mamimili kaugnay sa pagtaas ng mga bilihin

Posted July 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagbigay paalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa mga nagrereklamong mamimili sa mga tindahang sobrang magpataas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay DTI Head Aklan Provincial Director Diosdado P. Cadena Jr, kailangang may basehan ang isang mamimili sa kaniyang inirereklamong tindahan para mabigyan ito ng agarang aksyon.


Kung may sapat din umano silang katibayan ay maaari pa itong dumaan sa due process o magsasagawa sila ng buy bust operation.

Maliban dito posible din umanong maharap sa penalidad ang isang tindahan na nagkakahalaga ng P500 hanggang P1 Milyon.

Samantala, paalala pa ni Cadena sa mga mamimili na kung sakaling may sobrang pagtaas ng presyo ang kanilang binibilhang tindahan ay agad itong ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.

Nabatid na nakakatanggap rin ng reklamo ang kanilang mga staff ngunit mula sa mga ipinapadalang text message at e-mail lamang ngunit hindi din umano ito mabibigyan ng aksyon kung walang pangalan ng tindahan o lugar.

No comments:

Post a Comment