Pages

Thursday, July 03, 2014

DSWD Aklan, kinumpirma na kasama ang Malay sa mga madadagdagan ng 4Ps beneficiaries

Posted July 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kinumpirma ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) Aklan na kasama ang Malay sa mga madadagdagan ng 4Ps beneficiaries.

Ayon kay DSWD Aklan Provincial Head Evangelina Gallega, dinadagdagan talaga ang bilang ng mga beneficiaries ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang tugon at tulong sa mga mahihirap na pamilya.

Subalit, paglilinaw nito na ang naturang pagdadagdag ng mga kwalipikadong benificiaries ay nagmumula sa DSWD Head Office sa Maynila at wala sa kanilang hurisdiksyon, maging ang magrekomenda ng mga ito.

Ayon kay Gallega, nakatanggap lang sila ng impormasyon mula sa DSWD Region 6 na madadagdagan ang mga 4Ps beneficiaries sa Aklan.

Samantala, nabatid sa naunang ulat na nagpalabas ng P833 milyon na conditional cash grant ang lalawigan ng Aklan para sa mga pamilya sa ilalim ng 4Ps mula sa taon 2008-2014.

Sa ilalim ng 4Ps poverty reduction and social development program, ang mga kwalipikado at mahirap na pamilya ay makatanggap ng isang “monthly health and nutrition grant” na P500 habang ang kanilang mga anak ay bibigyan naman ng “educational grant” na P300.

No comments:

Post a Comment