Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ito ang paalala ngayon ng DOT o Department of Tourism
Boracay Sub-Office sa mga tour guide kaugnay sa kanilang mga promotional
activities sa isla.
Kasabay ito ng pagkadismaya ng HRP o Holy Rosary Parish
Boracay nitong nakaraang linggo sa isang tour group na umano’y nagpumilit na
magpalitrato sa loob ng simbahan.
Ayon sa HRP Boracay, pinagbabawalan ng simbahan ang basta
na lamang pagpasok doon at gagawa ng kahalintulad na aktibidad lalo pa’t walang
anumang paabiso.
Dahil dito, naiistorbo tuloy ang ibang nasa loob ng
simbahan at nagdarasal.
Kaugnay nito, naging dismayado naman ang DOT sa nasabing
asal ng mga tour guide.
Nabatid na idinadahilan kung minsan ng mga tour guide na
bahagi ng kanilang promotional activity ang kanilang pagkuha ng litrato sa
simbahan kasama ang kanilang mga dalang guests.
No comments:
Post a Comment