Pages

Friday, July 04, 2014

Dahil sa mga baradong drainage system, ilang kalsada sa Boracay, binaha

Posted July 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Binaha ang ilang kalsada sa isla ng Boracay dahil sa mga baradong drainage system.

Walang tigil kasi ang pagbuhos ng ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Partikular na nakaranas ng pagbaha ay ang sa harap ng Boracay Hospital kung saan ilang motorsiklo rin ang tumirik dahil sa kalahati na ng gulong ang inabot ng tubig baha.

Maging ang kahabaan ng main road ng Brgy. Manoc-manoc hanggang Balabag area ay nakaranas ng pagbaha na naging perwisyo naman para sa ilang motorista lalo na sa mga turista.

Kabilang din sa mga binaha ay ang access road papuntang Police Station kung saan halos wala nang madaaan ang mga tao.

Inaayos kasi ang nasabing access road kung kaya’t tinambakan ito ng lupa.

Ang problema, hindi naman makadaloy ang tubig sa kanal.

Samantala, magugunita namang sinimulan ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang flood control project sa Boracay subali’t hindi parin ito natatapos.

No comments:

Post a Comment