Posted July 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang construction worker ang natagpuang patay sa
loob ng barracks sa Manoc-manoc Boracay nitong Linggo, Hulyo 27.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, humingi ng
tulong ang iba pang mga kasamahan ng biktima na si Arcadio Depuno, Jr. 21 anyos
ng San Jose Del Monte Bulacan matapos malamang hindi na ito humihinga habang
nakahiga sa loob ng kanilang barracks sa So. Bung-aw, Manoc-manoc, Boracay.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, humiga sa
kanyang silid si Depuno ala una ng madaling araw nitong Linggo matapos makipag-inuman
sa kanyang mga kasamang construction workers.
Alas 6:45 ng umaga naman nang gisingin ito ng
kanyang mga kasamahan subali’t hindi na umano ito humihinga.
Samantala, sa isinagawa namang pagsusuri ng SOCO
Boracay, nabatid na hindi nakitaan ng foul play at natural ang pagkamatay ng nasabing
construction worker.
Kasalukuyan paring nasa Prado Funeral Homes ang
bangkay ng biktima habang inaantay ang pagdating ng kanyang pamilya.
No comments:
Post a Comment