Posted July 19, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Natapyas ang bahagi ng anim na nakatayong Hardiflex
sa isang establisemyento sa Barangay Balabag matapos tamaan ng tumalong lalaki.
Tumakas kasi ito sa mga operatiba ng PAIDSOTG o
Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group sa pamamagitan ng
pagtalon mula sa ikalawang palapag ng nasabing gusali.
Ayon sa mga operatiba, mabilis na tumakas ang
suspek nang matunugan ang buy-bust operation ng mga operatiba.
Subali’t naniniwala ang mga otoridad na iindahin ng
suspek ang kanyang sinapit matapos tumama sa Hardiflex ang kanyang bayag.
Samantala, narekober naman ng mga operatiba mula sa
suspek na nakilalang si Vincent Licerio alyas ‘Toto’ang isang plastic sachet ng
hinihinalang tuyong dahon ng marijuana at dalawampung piraso ng 100 pisong
marked money.
No comments:
Post a Comment