Pages

Wednesday, July 02, 2014

Boracay Hospital, pansamantalang hindi tatanggap ng pasyente dahil sa under construction

Posted July 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pansamantala munang hindi tatangap ng mga pasyente ang Boracay Hospital o Don Ciriaco S. Terol Hospital dahil sa under construction ito.

Ito ang sinabi ni Malay SB Member Pater SacapaƱio matapos ang isinagawang SB Session kahapon ng umaga.

Aniya, totally closed umano ito simula kahapon para sa mas mapabilis ang paggawa ng naturang hospital.

Ngunit dahil dito nag-aalala naman si SacapaƱio para sa mga posibleng pasyenteng kinakailangang dalhin sa hospital.

Nabatid na ang nasabing utos ay inilabas ng Provincial Health Office kung saan isa sa binabalak nilang lagyan ng pasyente ay ang Municipal Health Office (MHO) sa Brgy. Balabag.

At dahil maliit lamang ito, duda naman ang nasabing ospital na maaaring gamitin ang MHO bilang pansamantalang lagayan ng pasyente.

Ayon naman sa ilang konsehales, maaari silang makapaghanap ng lugar o kwarto para sa mga pasyente ngunit kailangan umanong magbayad nito ay ang PHO.

Matatandaang ang pagsasaayos ng Boracay Hospital ay isang proyekto ng Provincial Health Office sa pakikipagtulungan ng Aklan Government at ng LGU Malay.

Samantala, base rin sa plano gagawin itong tatlong palapag, lalagayan ng elevator at iu-upgrade ang mga kagamitan kasabay ng paglalagay ng karagdagang doktor at ilang medical assistance para mapunan ang pangangailangan ng mga pasyente mula sa isla ng Boracay lalo na ang mga turista.

No comments:

Post a Comment