Posted
July 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Magiging operational na ang Caticlan Airport o kilala din sa tawag na Boracay
Airport.
Ito ang kinumprma ni DOT o Department of Tourism Boracay Officer In
Charge Tim Ticar kaugnay sa nagpapatuloy na expansion o pagpapalapad sa
nasabing paliparan.
Bagama’t hindi na muna ito nakapagbigay ng iba pang detalye kaugnay sa
nasabing proyekto, sinabi naman ni Ticar na masasabayan na ng nasabing airport
ang mga domestic at international flights para sa lumalagong turismo ng
Boracay.
Samantala, sinabi pa ni Ticar na marami pang plano ang pinag-uusapan ng
iba’t-bang ahensya ng pamahalaang lokal at nasyonal kaugnay sa mga development
bilang paghahanda naman sa APEC 2015.
Nabatid na inaprobahan ng National Economic Development Authority ang
nasabing proyekto nitong nakaraang taon ng 2010.
No comments:
Post a Comment