Pages

Tuesday, July 01, 2014

BFI, pinasalamatan ang pagtugon ng SP Aklan sa kanilang apela hinggil sa bagong schedule ng Base Market Values

Posted July 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinasalamatan ng Boracay Foundation Inc. (BFI) ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan sa pagtugon ng kanilang position letter.

Kaugnay ito sa kanilang naging apela sa SP hinggil sa bagong schedule ng Base Market Values.

Ayon kay BFI President Jony Salme, bagamat nasa 20% hanggang 30% ang ibinaba sa bagong schedule ng Base Market Values sa mga Real Properties sa probinsya, malaki na umano itong tulong para sa kanilang mga stake holders.

Subalit, sinabi din nito na kung magkakaroon ng pagpupulong kasama ang Provincial Assessor’s Office ay muli nilang hihilingin na kung maaari ay babaan pa ang bagong bayarin sa buwis.

Sa kabilang dako, kung sakali naman umano na hindi ito mapagbibigyan ay wala silang magagawa kungdi ang sundin ang panibagong Base Market Values.

Samantala, ang bagong schedule ng Base Market Values of Real Properties para sa 17 municipalities sa Aklan ay magiging epektibo sa Enero 2015.

Kasama narin dito ang mga inaprubahan ng SP at Provincial Assessor’s Office Na Special Base Market Valuation sa mga resort sa isla ng Boracay at Metro Kalibo.

No comments:

Post a Comment