Pages

Thursday, June 12, 2014

Suspek sa pamamaril sa Barangay Kapitan ng Unidos, Nabas, Aklan, arestado na

Posted June 12, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Arestado na ang suspek sa pamamaril sa Barangay Kapitan ng Unidos, Nabas, Aklan nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Nabas PNP Chief Inspector Arnolito Laguerta, nadakip ang suspek sa tulong ni Chief Inspector Al Lloren Bigay, hepe ng New Washington, (Aklan) police station.

Tumawag umano sa kanya si Bigay tungkol sa isang taga Nabas na nandoon sa New Washington, base na rin sa kanilang nakalap na community report.

Kaagad umanong pumunta si Laguerta sa New Washington kung saan positibong nakilala at nadakip ang suspek na si Johnson Culumbres.

Ayon pa kay Laguerta, ang suspek din umanong si Culumbres ang itinuturo ni Barangay Captain Dante Berondo na siyang nagpaputok ng baril sa bilyaran.

Magugunitang ikinasawi ng kapatid ng kapitan na si Ropel Berondo at ikinasugat ng iba pa ang nangyaring pamamaril na sinasabing nag-ugat sa kanilang away sa lupa.

Samantala, patuloy parin ang imbistigasyon ng Nabas PNP kaugnay sa umano’y pamangkin ng suspek na kasama nito sa krimen.

No comments:

Post a Comment