Pages

Wednesday, June 25, 2014

Reklamo kaugnay sa ticketing system sa Tabon port, “no big deal” kay CBTMPC chairman Sadiasa

Posted June 25, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

 “No big deal” kay CBTMPC chairman Sadiasa ang reklamo sa ticketing system sa Tabon port.

Kaugnay ito sa umano’y napansin ng mga individual passenger ng bangka na tila pinaprayodad ang mga tour guide na may dalang grupo ng bisita sa pagkuha ng ticket doon sa booth.

Nagiging useless o walang saysay umano kasi ang kanilang pagpila sa pagkuha ng ticket, dahil unang nabibigyan ang mga tour guide at una ring nakakasakay ng bangka.

Samantala, bagama’t hindi ito direktang nagbigay ng komento tungkol sa usapin, sinabi naman ni CBTMPC o Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative Chairman Godofredo Sadiasa na hindi kinukulang ang mga bangka kung kaya’t tuloy-tuloy din ang biyahe nito.

Ayon pa kay Sadiasa, dalawang ticketing table ang nilalagay nila doon tuwing Lunes dahil sa mga panday na nagtatrabaho sa isla kung kaya’t ginawa nilang iba ang pila ng mga panday at iba rin ang sa mga turista.

Tuwing Lunes lang naman kasi aniya nagiging mabigat ang pila doon.

Samantala, tiniyak din ni Sadiasa na araw-araw nitong tinitingnan ang operasyon ng Tabon port at wala din umano itong nakikitang problema doon.

No comments:

Post a Comment