Pages

Wednesday, June 11, 2014

DENR Aklan, nagpaalala tungkol sa mga insidente ng Grass Fire sa probinsya

Posted June 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpaalala ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan hinggil sa mga insidente ng Grass Fire sa probinsya.

Base sa ipinahayag ni Merlen Aborka ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Kalibo.

Ang grass fire ang minsang pinagmumulan ng mga malalakihang sunog, kung saan karaniwang nagmumula sa pagkasunog ng mga gubat o ang tinatawag na forest fire.

Anya hindi rin ito magandang gawin sapagkat ang pagkakaroon ng Grass Fire ay may hindi magandang epekto na nagdadala ng hydrofluorocarbon na nakakasama sa kalusugan.

Isa rin umano ito sa mga nagiging dahilan sa pagkakaroon ng Global Warming at Climate Change.

Samantala, matatandaan na nitong lunes lang ay naitala ang dalawang magkasunod na grass fire sa Aklan, subalit wala namang naiulat na nasaktan o napinsalang ari-arian  dahil sa agarang pag-responde ng mga bombero.

Kaugnay nito, muling hinikayat ng DENR Aklan na hangga’t maiiwasan ay mag-ingat sa pagsiga sa mga talahiban upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

Anila, naiiba umano ang sunog sa gubat mula sa iba pang mga sunog.

Bukod kasi sa  mabilis itong kumalat mula sa talagang pinagmulan, may kakayanan din umano itong magbago ng patutunguhan at kumalat.

No comments:

Post a Comment