Pages

Thursday, June 05, 2014

Boracay Photographers Association Inc., naghahanda na para sa isang MOA

Posted June 5, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Naghahanda na para sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Boracay Photographers Association Inc. (BPAI).

Ito ang kinumpirma ng BPAI, kaugnay sa naging tugon ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) sa kanilang apela sa LGU Malay tungkol sa mga nag-ooperate na photographer sa isla na walang kaukulang permit.

Pinayuhan kasi kahapon ng BRTF ang nasabing asosasyon na makipag-usap at pumasok sa isang MOA sa grupo ng mga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency at Tour Guide.

Ayon kay BRTF Secretary Mabel Bacani, maaaring hindi alam ng mga inirereklamo nilang photographers na may organisadong asosasyon sa isla katulad ng BPAI.

Samantala, naniniwala si Bacani na kinakailangang tulungan din sa pamamagitan ng promosyon ng Department of Tourism (DOT) ang Photographers Association Inc. sa isla.

Nakatakda namang gawin ang MOA sa susunod na araw ng Martes, kasama ang mga law enforcers, BRTF, Boracay Foundation Incorporated at iba pang ahensya o asosasyon sa isla.

No comments:

Post a Comment