Pages

Tuesday, June 10, 2014

BFI, problema pa rin ang serbisyo ng NGCP at AKELCO

Posted June 10, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Konkreto na solusyon pa rin ang hiling ng mga stakeholders mula sa mga taga National Grid Corporation of the Philippines at Aklan Electric Cooperative.

Ito’y bunsod pa rin sa mga nararanasang suliranin patungkol sa suplay ng kuryente sa Isla ng Boracay at buong probinsya ng Aklan.

Sa ginanap na General Membership Meeting ng Boracay Foundation Inc. kung saan panauhin si NGCP Distrcict 4 Head Operation Maintenance Rey Jaleco.


Inamin nito na bagamat naayos at kumpleto na ang linya para sa 138KV mula sa Dingle-Panit-an transmission line ,ay hindi pa rin nito matiyak kung magiging normal na ang daloy ng suplay ng kuryente sa probinsya.

Wala pa umano kasing timeline ang NGCP para sa pagsaayos sa mahigit isang daan at tatlumpong towers nito na sinira ng bagyong Yolanda.

Sa kanyang pagtantya ay aabutin pa ng dalawang taon para muli itong maitayo.

Sa ngayon ay mga maliliit at temporaryong towers muna ang itinayo para may madaanan ang kawad ng kureyente subalit nagka-problema din dahilsa issue ng “Right of Way”.

Sa panig ng naman ng BFI o Boracay Foundation Incorporaetd, hindi sa kanila malinaw kung sino ang may responsibilidad sa mga nararanasang brown-out dahil mistulang nagtuturuan ang supplier na NGCP at ang kooperatiba ng naghahatid ng kuryente na AKELCO.

Hiling naman ni BFI President Dionisio Salme nadapat ay may paghahanda at solusyon ang NGCP kaakibat sa sumisigla at lumalaking industriya ng turismo sa Boracay.

No comments:

Post a Comment