Pages

Saturday, June 28, 2014

Babaeng nagtutulak ng illegal na droga, timbog matapos mahulihan ng 30 plastic sachet ng shabu

Posted June 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Timbog sa isinagawang buy bust operation kahapon ang isang babae sa Boracay matapos mahulihan ng 30 plastic sachet ng shabu.

Ayon sa report ng Boracay PNP, isinagawa ang operasyon alas singko kahapon ng hapon sa isang lodging house sa Balabag Boracay.

Kasama ang BTAC Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group at Provincial Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) at sa kooperasyon ng PDEA, timbog ang suspek na si Neslie Estropegan, 21 anyos ng Feliciano Balete Aklan.

Nakuha sa suspek ang 30 sachet ng shabu, isang libong pisong marked money at cellphone na umano’y naglalaman ng mga text messages para sa transaksyon.

Samantala, nakuha rin mula sa poseur-buyer ang isang sachet ng shabu at isang libong piso na ginamit bilang marked money.

Nakatakda namang e-turnover sa Kalibo Police Station ang suspek kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment