Pages

Friday, June 27, 2014

2015 General Revision of Base Market Values sa Aklan, aprobado na

Posted June 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang bagong schedule ng Base Market Values of Real Properties para sa 17 municipalities, epektibo sa Enero 2015.

Kasama rin sa mga inaprubahan ng SP ang special base market valuation sa mga resort sa isla ng Boracay at Metro Kalibo.

Pagkatapos ng ilang mga serye ng committee at public hearings sa huling apat na buwan, ipinasa na sa 20th Regular Session ang Tax Ordinance No. 001, S., 2014 na nagsasaad ng bagong bayarin sa buwis para sa 17 munisipalidad sa probinsya.

Ang inaprubahan ng SP Aklan ay ang sya ring binagong iskedyul mula sa orihinal na panukala ng opisina ng Provincial Assessor, kung saan ang antas ng bayarin sa buwis ay binawasan sa pag-iintindi ng mga hinaing at opinyon ng mga negosyante mula sa Kalibo at Boracay.

Sa binagong mga iskedyul na napapaloob sa General Revision ng ordinansa, isinaayos ng SP ang assessment level sa 14% mas mababa kaysa 15% na orihinal na iminungkahi ng Provincial Assessor para sa lahat ng residential real properties.

Samantala, ang assessment level naman para sa industrial at commercial properties ay 33% mas mababa sa 50% na unang iminungkahi.

Sa agricultural properties naman, ibinaba ito sa 34% mula sa 40% na orihinal na ipinanukala ng Provincial Assessor Office.

Una namang ipinaliwanag ni Provincial Assessor Kokoy Soguilon na nakasaad sa Section 219 ng Local Government Code o base sa Republic Act No. 7160, na dapat magkaroon ng General Tax Revision of Real Properties ang lokal na pamahalaan kada tatlong taon.

No comments:

Post a Comment