Pages

Wednesday, June 18, 2014

2 Korean national, ninakawan ng 30 mil pesos sa Boracay

Posted June 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng mga taga Boracay PNP Station ang tatlong mga lalaking staff ng isang resort sa Boracay.

Kaugnay ito sa dalawang Korean national nilang guest na umano’y nawalan ng 30 mil pesos.

Ayon kasi sa report ng Boracay PNP, isang butler, villa attendant at amenity center staff ang hinihinalang kumuha ng pera ng mga nagreklamong sina Men Hyoung O at Hye Sun Wang.

Lumalabas sa imbestigasyon na unang pumasok sa loob ng kwarto ng mga turista ang butler na sinundan naman ng amenity center staff at villa attendant, isang oras ang pagitan kahapon ng hapon.

Ayon sa isa sa mga biktimang si Men Hyoung O, nagulat umano ito nang kanyang bilangin at malamang kulang na ng 25 mil pesos ang kanyang pera na 100 thousand pesos.

Gayundin din umano ang nangyari sa kasama nitong si Hye Sun Wang na kulang din ng limang libong peso ang kanyang 25 mil pesos na pera.

Samantala, nang komprontahin naman di umano ng management ng nasabing resort ang tatlo ay lumalabas na paiba-iba ang kanilang sagot.

Ayon pa sa report, naniniwala ang management ng nasabing resort na ang mga nasabing suspek nga ang kumuha ng pera ng mga bisita dahil sa mga dati rin umano nilang record na kasong pagnanakaw.

No comments:

Post a Comment