Pages

Wednesday, May 14, 2014

Presyo ng mga school supplies sa Aklan, imo-monitor ng DTI

Posted May 14, 2014
Ni Jar-ar Arante, YES FM Boracay

Naka-alerto na ngayon sa presyo ng mga school supplies ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan dalawang linggo bago ang pasukan.

Ayon sa tanggapan ng DTI, mag-mo-monitor sila sa mga tindahan na nagbibinta ng school supplies para masiguro na walang over pricing.

Muli umano silang magkakalat ng mga posters na nakalagay ang mga gabay sa pamimili ng school supplies sa mga pamilihan at may nakalagay na suggested retail price (SRP) katulad ng kanilang ginawa noong nakaraang taon.

Iginiit naman ng nasabing ahensya na kailangang hindi lang mga presyo ng mga produkto ang isaalang-alang ng mga mamimili, kundi pagtuunan din ng pansin ang kalidad ng kanilang binibili para maka iwas sa kapahamakan ang mag-aaral.

Samantala, muling paalala ng DTI na tumawag lamang sila sa numerong 268-5280 sakaling mayroon silang mga reklmo tungkol sa kanilang mga nabiling school supplies.

Inaasahan naman nilang dadagsain na ang mga pamilihan ng mga mamimili ng gamit sa eskwela sa susunod na linggo para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo-tres.

No comments:

Post a Comment